Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Tampok

Himagsik sa "Pero"

Hindi natin ginagamit ang sariling salita natin.  ‎Nanganganib mawala ang ngunit, subalit, at datapwat. ‎ HIMAGSIK SA "PERO" ‎ ‎Nanganganib mawalâ ‎ang sariling salitâ ‎kapag binalewala't ‎di ginamit na sadyâ. ‎ ‎"Pero" ng "pero" NGUNIT, DATAPWAT, at SUBALIT, kapag naglahong pilit ay hampas na ng langit. ‎ Ramdam mo'y isinumpâ ‎kung turing nati'y bakyâ ‎ang sariling katagâ. ‎Ano bang magagawâ? ‎ ‎Ay, gamitin po natin ‎ang wikang ating atin. ‎ - gregoriovbituinjr. 11.18.2026 * Imbes Kastilang "pero", gamitin natin ang katumbas nito sa sariling wika - NGUNIT, SUBALIT at DATAPWAT. * Ulat sa nanganganib mawalang wika sa ating bansa dahil kaunti na lang ang gumnagamit https://newsinfo.inquirer.net/2289443/40-indigenous-languages-in-ph-are-endangered-what-could-be-lost   https://pia.gov.ph/news/kwf-40-na-wika-sa-pilipinas-nanganganib-mawala/

Mga Pinakabagong Post

Paalala sa publiko

Sa ika-16 na death monthsary ni misis

Tula sa sipnayan: Si Archimedes, ang sipnayanon

Trapo at basahan

Anagram ang pen name

Bahâ

Sa ika-15 death monthsary ni misis

Paglalakad

Sa MIBF 2026

Nasungabâ

‎O, mga makata

Batas sa ating bansa

Depinisyon nila ng progreso

Munting dalit sa PLM

Nag-iisang tulâ

Bili na po kayo ng aking libreto

Ako man ay makatang wala sa akademya

Pagninilay

Gunitâ