Hindi namatay ang Komyun

HINDI IYON NAMATAY
tula ni Eugene Pottier hinggil sa Paris Commune
malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.

Pinagmulan: Eugène Pottier, Chants Révolutionnaires (ikalawang edisyon), Paris, Bureau de Comité Pottier, [n.d.];
Isinalin: ni Mitchell Abidor;
CopyLeft: Creative Commons (Attribute & ShareAlike) marxists.org 2013.

Para sa mga nakaligtas sa Madugong Linggo

Pinaslang nila iyon ng mga putok ng riple,
na may mga putok ng masinggan
at iginulong ito sa watawat 
sa lupang parang luwad.

At ang pulutong ng bundat na mga berdugo
ay nag-akalang mas malalakas sila,
ngunit wala sa mga iyon ang nagbago,

Nicolas,
dahil hindi namatay ang Komyun!

Tulad ng pag-aani ng mga manggagapas,
tulad ng mga mansanas na naglagpakan sa lupa,
ang mga Versaillais, na di bababa
sa isang daang libong katao, ay pinagpapaslang.

At yaong daang libong pagpaslang,
Tingni kung anong kanilang dinala.

Ngunit wala sa mga iyon ang nagbago,
Nicolas,
dahil hindi namatay ang Komyun!
Bagamat pinaslang nila sina Varlin,

Flouren, Duval, Milliere,
Ferre, Rigault, Tony Moilin,
na pumuno sa mga sementeryo.

Akala'y naputol na nila ang mga bisig niyon,
nawalan ng laman ang mga ugat niyon.

Ngunit wala sa mga iyon ang nagbago,
Nicolas,
dahil hindi namatay ang Komyun!

Kumilos silang parang tulisan,
umaasa sa katahimikan.

Pinatay nila ang mga sugatan sa higaan nito sa ospital,
at ang mga dugong
bumaha sa mga kumot
ay umagos sa ilalim ng pinto.

Ngunit wala sa mga iyon ang nagbago,
Nicolas,
dahil hindi namatay ang Komyun!

Binili ang mga mamamahayag,
mangangalakal ng paninirang-puri
kumalat sa ating mga libingang bayan
ang pagbaha ng kanilang kahihiyan.

Isinuka nina Maxim Ducamp, 
Dumas ang kanilang alak.

ngunit wala sa mga iyon ang nagbago,
Nicolas,
dahil hindi namatay ang Komyun!

Kampilan iyon ni Damocles
Na lumutang sa kanilang mga ulo.

Sa libing ni Vallès
ginawa silang mga pipi.

Ang totoo'y marami kami
na nagsilbing tanod niya;
na nagpapatunay, sa anumang kaso
Nicolas,
na ang Komyun ay hindi namatay!

At kaya, pinapatunayan nito sa mga mandirigma,
na ang kutis ni Marianne ay naging kayumanggi;
handa na siyang lumaban at panahon na upang ihiyaw:
Mabuhay ang Komyun!

At pinapatunayan nito sa lahat ng mga Hudas
na ganito ang mga bagay-bagay,
at sa maikling panahon mababatid nila,
Tangina!

Na ang Komyun ay hindi namatay!

Paris, Mayo 1886

* Isinalin ng Hunyo 20, 2022

It Isn’t Dead
Source: Eugène Pottier, Chants Révolutionnaires (second edition), Paris, Bureau de Comité Pottier, [n.d.];
Translated: by Mitchell Abidor;
CopyLeft: Creative Commons (Attribute & ShareAlike) marxists.org 2013.

For the survivors of the Bloody Week

They killed it with rifle shots,
with machine gun shots
and rolled it in its flag
into the clay-like earth.

And the mob of fat executioners
thought themselves the stronger,
but none of this changes anything,

Nicolas,
for the Commune isn’t dead!

Just as harvesters clear a field,
just as apples fall to earth,
the Versaillais massacred
at least a hundred thousand men.

And these hundred thousand murders,
See what they bring.

But none of this changes anything,
Nicolas,
for the Commune isn’t dead!
Though they killed Varlin,

Flourens, Duval, Millière,
Ferré, Rigault, Tony Moilin,
filling the cemeteries.

They thought they cut off its arms,
emptied its aorta.

But none of this changes anything,
Nicolas,
for the Commune isn’t dead!

They acted like bandits,
counting on silence.

They killed the wounded in their hospital beds,
and the blood,
flooding the sheets
flowed under the door.

But none of this changes anything,
Nicolas,
for the Commune isn’t dead!

Bought-off journalists,
merchants of slander
spread over our mass graves
their flood of ignominies.

Maxim Ducamp, Dumas
vomited up their booze.

but none of this changes anything,
Nicolas,
for the Commune isn’t dead!

It’s Damocles’ sword
That floats over their heads.

At Vallès’ funeral
they were made mute.

The fact is there were many of us
who served as his escort;
which proves, in any case
Nicolas,
that the Commune isn’t dead!

And so, all this proves to the fighters,
that Marianne’s skin is tanned;
she’s ready to fight and it’s time to cry out:
Long Live the Commune!

And this proves to all the Judases
that this is how things are,
and in a short while they'll know,
God damn!

That the Commune isn’t dead!

Paris, May 1886

Mga Komento

Kilalang Mga Post