Munglô, muól at muóy
MUNGLÔ, MUÓL, AT MUÓY
ano kaya sa Ingles ang munglô?
sa medisina, ang kahulugan
ay paninilaw bunga ng sakit
tulad ng Gilbert syndrome, cirrhosis
sa Zoolohiya ay natukoy
kung ano yaong muól at muóy
ang muól ay usang nalagasan
ng sungay sa sakit, katandaan
kung ang muóy ay babaeng kúto
kuyumad ay maliit na kúto
at ang lisâ ay itlog ng kúto
ano naman ang lalaking kutó?
tatlong salitang bago o lumà
bago sa akin, lumang salitâ
na nasaliksik ko nang di sadyâ
na mabuting gamitin sa tulâ
- gregoriovbituinjr.
03.21.2026 (World Poetry Day)
* litrato mula sa Diksiyonaryong Adarna, p.610



Mga Komento
Mag-post ng isang Komento