Coda Lines
CODA LINES
kailangan ko nang umuwi ng Barlig
para sa huling ritwal sa namayapà
kong asawa, yaring puso'y nasasabik
buti't may pamasaheng bahid ay luhà
dinaluhan muna'y taunang Kalbaryo
ng desaparesido, at nang matapos,
tinungo'y Coda Lines, wala pa umano
gabi pa ang biyahe ng anim na bus
bumalik ng bahay, nag-ayos ng gamit
nasa terminal alas-singko ng hapon
inagahan ko at baka makasingit
fully-booked na, chance passenger na lang doon
nagpalista, bakasakaling tawagin
dumating ang unang bus, di nakasakay
sa pangalawa't pangatlong bus, di pa rin
at sa pang-apat na bus na nakasakay
salamat, Coda Lines, nakabiyahe na
sampung oras ding doon ay nakaupô
umalis ng alas-nuwebe y medya
alas-siyete y medya nang tumayô
doon sa Bontoc na ako nag-agahan
isang kanin, isang karne, isang gulay
kaymahal na rin, presyo'y dalawang daan
matapos, sa dyip puntang Barlig sumakay
- gregoriovbituinjr.
04.02.2026








Mga Komento
Mag-post ng isang Komento